Book Read Free

Sombi

Page 14

by Jonas Sunico


  Before I can apologize I’m off my feet again. He picked me up without hesitation and began charging ahead. The welded exit from before is now gone. Outside... outside is a huge open space. There are tons of zombies both dead and walking scattered around. At the far end, near the river, is a helicopter. Carla and the others are there along with two people I don’t know.

  Ganda begins to run again. How long can he keep this up?

  Ang bilis ng mga pangyayari. Nung nakaabot kami sa dulo, kumpol-kumpol na ang mga zombie. Mapapalibutan na nga kami e. Pero ready talaga ang P.O.T.A. May dalang mga granada si Yvette at nagbato siya ng dalawa sa grupo ng sombi na nakaabang sa tapat ng lumilipad na helicopter. Sa isang iglap, naubos silang lahat.

  Nung klaro na ang daan, bumaba ng konti ang helicopter. Sa loob, may dalawa pang myembro ng P.O.T.A. Isa sakanila ang nag-assist samin sa pagakyat habang yung isa naman ang nagmamaneho. Wala pa rin sila Joe nung umakyat kami.

  Nung paalis na ang helicopter, lumingon ako ng isang beses pa. Isang milagro! Nakalabas na sila at tumatakbo na papunta samin. Gaya ng sabi ni Yvette, pag nakita namin sila, gagawa sila ng paraan para masagip sila. Nanatili sa isang lugar ang helicopter, hihintayin namin sila. Kumuha ng baril si Rapid, Yvette, John at ang isang myembro ng P.O.T.A. at nagsimula silang pumatay ng mga sombi. Nakisali na rin ako.

  They’re waiting for us... They’re waiting for us! “Ganda let’s go! I owe you one, buddy. Babawi ako sayo. Kaya natin ’to!”

  There are zombies left and right and Ganda starts to fight. I start shooting left and right. Their numbers are growing.

  I look at the palace and zombies are coming out of it as well. LOTS of zombies. I think all the NiNions are dead. Well, except for one. We’re just a few meters shy of the helicopter but it starts to go up a few feet in the air. We can’t reach it when it’s that high!

  The zombies are catching up to us. Just a few meters left. I’m guessing that’s the reason why the helicopter went higher. What are we going to do? Carla and the others are shooting at the zombies. They’re even throwing a few grenades but it’s not doing much to the horde. They just keep on coming.

  Despite the whirring of the helicopter’s blades, I hear Ganda crying. Why? There are tears on his face. Is he scared? No, he can’t be scared. Not him.

  All of a sudden, I feel a huge force wrap around my waist. My body feels as light as air (the pain in my shoulder is still there though). I even feel a sharp pinch in my left calf. It’s Ganda! He’s preparing to throw me inside the helicopter as we near it.

  “Wai-wait, what are you doing? Stop! Don’t do this, we can still make it. Wag kang bayaniiii! STOOOOOOP!” No matter how much I wiggle, he doesn’t let go. He doesn’t even feel me stop him.

  “Paalam, Joe.”

  I hear him say this as I go flying in the air. He did it. He managed to throw me a few feet up. I almost didn’t make it but Mr. Senator pulled me up. The helicopter starts to fly away.

  “Stop,” I say.

  “Bring this piece of shit down! We have to get him, we HAVE TO SAVE HIM.” No one says anything to the pilot. No one can even look me in the eye. I look below and see Ganda being torn to pieces by zombies. The guy who stood still while I almost assaulted him, the guy who saved our asses so many times is now unrecognizable as he becomes zombie chow. I didn’t even get the chance to say sorry.

  There are a couple of new faces inside the helicopter but what’s important is that the faces I’m familiar with are here. Mr. Senator, Father, Askal and Carla.

  Namatay si Ganda. Sinakripisyo niya buhay niya para kay Joe. Siguro sa lahat ng NiNion si Ganda na ang pinaka-TAO

  May tama ng bala si Joe at duguan siya gaya namin.

  “Buhay ka pa, buti na lang. Masaya ko kase ligtas ka.” Di ko na napigilan sarili ko at lumapit ako para yakapin siya, pero inawat ako ni Yvette.

  “He’s been bit! There’s a bite on his left calf. Shit. Stay where you are!” sabi ni John.

  Hala, may kagat nga si Joe. Di ko napansin. Base sa mukha niya, di rin niya napansin. San niya nakuha yun? Natataranta ang lahat. Nakasara na ang mga pinto ng helicopter kaya pwede na kaming tumayo. Tinaboy nila lahat si Joe. Gusto ko siyang lapitan kaso inaawat ako ni Rapid.

  “Ano ba? Bitiwan mo ’ko. May gamot na tayo dito! Masasagip pa siya, ni hindi pa nga siya patay e. Kumalma kayo.” Pero mukhang di sila matitinag. Ang higpit ng hawak sakin ni Rapid.

  “Nahihilo ka ba bata? Okay ka lang ba? Kailan ka nakagat?” Concerned din pala si Rapid. Akala ko handa na siyang itakwil si Joe.

  “I’m sorry kid. You can’t stay here. We have a cure but it’ll take years to develop. I’ll give you a choice though; would you like it if we shoot you in the head now or... you could jump away from this helicopter. We’re flying on top of a river. The water will break your fall. It’s a more peaceful and clean death.”

  “Ate Yvette! Sira ulo ka ba? May pag-asa pa! Joe wag kang makinig. Dito ka lang. Please.”

  Nakatingin lang siya samin. Di niya alam ang gagawin niya. Pero imposibleng sumuko siya. Di siya papayag na magpabaril o kaya, na tumalon siya sa tubig.

  “Open the door. I’ll jump.”

  Tumungo lang silang lahat, at binuksan ni John ang pinto.

  Puro luha na lang ang nailalabas ko. Hindi na ’ko makapagsalita. Pati si Rapid umiiyak na. Si Yvette hinawakan ako sa balikat at sabi niya sorry daw.

  “Rapid pigilan mo siya! Ano ba kayo? Bitiwan niyo ko! Joe, wag kang tumalon. May pag-asa pa!”

  “Pag-asa... That’s hope, right? There is hope. Not for me though. But for you there is. I’m sorry everyone. Sorry for the trouble.

  “Mr. Senator, thanks for everything. You’ve been a great pal.

  “You guys, I don’t know you, all I know is you saved my friends. Thank you very much for that.

  “Carla... There are so many unsaid words, all I can say is it was more than a pleasure meeting you. If the apocalypse was the reason we met... then I like the apocalypse. Oh... when Askal wakes up, pet him in the belly for me will you? Pet him hard.”

  He stands in the entrance, looking at Pasig River just below him.

  “Joe... Please don’t... I—I love you.”

  “Mahal din kita.”

  EPILOGUE

  Isang linggo na ang nakalipas mula nung insidente sa Malacañang. Nasa Clark Pampanga na kami. Dun pala nagset-up ng base ang P.O.T.A.

  Organisado sila rito. May shifting na pagbantay 24 oras. Si Rapid sumama sa mga nagbabantay. Tuwang-tuwa pa nga siya pag may dumarating na sombi. Ang sabi niya sakin nag-e-enjoy daw talaga siya sa pagpatay ng sombi kaya okay lang sakanya magbantay.

  Si Ate Yvette at John nag-aasikaso ng mga bagay-bagay dito sa base. Kelan ko lang nalaman na mataas pala ang katungkulan nila rito sa P.O.T.A. Minsan-minsan binibisita ako ni Ate Yvette at kinakamusta niya ’ko.

  Si Father okay na. Pag-gising niya, di niya naalala ang mga kalokohan na nagawa niya at nabigla rin siya na kalbo na siya. Nung mga unang araw, may mga moment na bigla-bigla siyang nagsasalita ng kung ano-ano. Kinulong siya nung mga araw na yun, pero makalipas ang ilan pang araw, pinalaya na siya. Okay na raw siya. Siya ang ginawang pari rito sa base. Kelangan daw kasi ng spiritual guidance ng mga tao rito. Mamaya-maya lang isasagawa na niya ang pinaka-unang misa niya.

  Si Askal... okay na siya. Nagmarka ang sugat niya sa ulo at mukhang magkakapeklat siya rito. Nagamot siya agad pagdating namin dito, kaya ilang araw lang okay na siya. Sa susunod na linggo, magsisimula na silang maghanap ng gamot. Sa akin lang siya sumusunod. Bihira na lang siya kumain at di na siya kasing sigla gaya nung dati. Parehas lang kami. Pangatlong umaga na namin ’tong naghihintay sa entrance ng base. Nagbabakasakali kami na kasabay ng pagsikat ng araw ang pagbalik niya...

  “O, nandito ka na naman. Malapit na magsimula ang misa,” Sabi ni kal—este, Father.

  “Sige po. Susunod na lang ako. Nandun na ’ko bago pa magsimula.”

  “May problema ba?”

  “Wala naman po.”

  “Meron. Alam kong malungkot ka kasi wala na si Joe
, pero isipin mo na lang na nasa mabuti na siyang lugar. Wala na tayong magagawa kung gusto na siyang kunin ng Diyos.”

  Ayokong isipin na nasa mas magandang lugar na siya. Selfish na kung selfish pero mas gusto kong nandito siya ngayon. Hindi patas. Kung sino pa ang matino, siya pa ang kinuha. Ano na ang nangyari sa “tatlong sasalba sa mundo?” Teka...

  “FATHER! Diba sabi sa propesiya mo na ako, si Askal at si Joe ang sasalba sa mundo? B-baka di pa natutupad ang propesiya! Ang sabi mo pa, makakaharap pa namin ang taong nagsimula nito. E hindi naman si ChiNoy ang nagsimula neto diba? Di rin naman kasama dun na mamamatay ang isa samin e. Tsaka di pa naman nagagamot ang virus. Buhay pa si Joe!”

  “Matagal na bago ako huling nanaginip. May punto ka, hindi nga sinabi na mamamatay ang isa sa inyo. Pero Carla... mas gugustuhin mo ba na hindi pa magamot ang sakit? Pano kung ang kapalit ng buhay niya ay ang gamot? Okay lang ba sayo yun? Pano kung kinulang lang ako sa pananampalataya, kaya kulang o may mali sa pinakita sakin? Sa tingin ko nagkulang lang ako. Masakit tanggapin pero dapat masanay ka na sa katotohanan na tapos na ang lahat. Nandito ka. Nandito si Askal. Nakita niyo na mismo na may kagat siya. Carla... tanggapin mo na, tapos na ang propesiya.

  “Ang sabi sa propesiya e tatlo kayong sasalba sa mundong to. Isipin mong mabuti Carla, kung wala ka, makakaabot ba si Askal dito? At kung wala si Joe, mabubuhay ba si Askal? Kung tutuusin tapos na ang propesiya. Ang sabi sa akin ay iisang tao lang ang may pakana nitong sakit na ’to. Mukhang di na natin siya makikilala kasi andito na ang gamot. Sapat na ang realidad na ’to Carla.”

  ...Siguro nga tapos na. Pero Joe, di ko sila gagayahin.

  Di ako mawawalan ng pag-asa.

  Sa Mambasa

  Kung gusto ninyong pag-usapan ang nobelang ito sa isang book club man o sa klase, sa tahanan man o sa tambayan, baka makatulong ang mga tanong na ito sa inyong pag-unawa.

  1. Gaano ba kahalaga para sa iyo na mahalin ang sariling wika? Ano ang itinuturing mong “inang wika”?

  2. Sa tingin mo ba kaya mong magtagal kung sakaling mangyari man ang isang zombie apocalypse? Ano-ano ang iyong kakayahan na makakatulong sa survival mo?

  3. Ano ang kailangan mo para mabuhay sa mundong gaya ng inilarawan nasa libro?

  4. Sinong tauhan sa kuwento ang gusto mong makasama kung sakaling mangyari nga ang zombie apocalypse?

  5. Ano ang iyong plano kung sakaling magkaroon man ng isang zombie apocalypse? Paano ito katulad ng mga natural disasters tulad ng lindol o bagyo? Paano naman ito naiiba?

 

 

 


‹ Prev